// Theory #3//
Bata palang ako, lagi kong iniisip na kaya wala pa kong nagugustuhang ibang tao, o magmahal ng ibang tao, ay dahil puno pa ako ng pag-ibig, siguro sa pamilya at mga kaibigan.
Iniisip ko na ang mga taong may boyfriend/girldfriend ay ang mga taong kulang sa pagmamahal ng pamilya kaya naghahanap sila ng ibang tao na pupuno sa pag-ibig nila.
Narinig ko din sa isang tv show na ito nga ang dahilan kung bakit ang ibang tao ay maagang napasok sa isang relasyon.
Siguro nga totoo ‘to, iba iba naman tayo ng persepsyon.
Sa lagay ko ngayon, kulang talaga ko sa pagibig, ganito heart level ko ngayon eh:

Kung mapupunan ako ng pagibig ng ibang tao, maaaring mag increase ang “life points/heart scale ko”

Parang sa laro lang, kailangan mong maghanap ng mga Hearts para mabuhay ka at makupleto ang buhay mo. Kung kumpleto na ang heart scale mo, hahanap ka pa ba ng mga hearts?
—- Theory lang naman. haha
